Sinimulan nang ipatupad ng Philippine Army ang kanilang 100% online application process para sa recruitment ngayong taong.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, simula ngayon, hindi na sila tatanggap ng mga walk-in na aplikante.
Paliwanag ni Col. Dema-ala, ang mga aplikante ay dapat magparehistro online at hintayin ang sagot ng Army Personnel Management Center (APMC) na siyang magbibigay ng impormasyon kung saan sila kukuha ng qualifying exam.
Mula sa mga pumasa sa written exam, pipili ang APMC ng mga aplikante batay sa mga skill set na kinakailangan ng army at tatawagin sila para sa isang linggong pagproseso.
Sinabi ni Col Dema-ala, target ng Philippine Army na makapag-recruit ng 5,000 personnel ngayong 2024 bilang bahagi ng kanilang recruitment quota. | ulat ni Leo Sarne