Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Philippine Navy sa bawat komunidad at sa iba’t ibang sektor kabilang na ang media, ipinagdiwang ngayong araw ang ika-13 taong anibersaryo ng Civil Military Operations Group ng Philippine Navy.
Kung saan binigyang pagkilala ang iba’t ibang stakeholders na naka-agapay ng Philippine Navy sa iba’t ibang mga sitwasyon, maging sa kalamidad.
Kabilang sa pinarangalan ay ang himpilang Radyo Pilipinas Palawan ng Presidential Broadcast Service (PBS).
Ayon kay Philippine Navy flag officer in Command Vice Admiral Toribio D. Adcaci Jr., taos puso ang kanyang pagpapasalamat sa lahat ng mga stakeholder na naka agapay ng Philippine Navy sa loob ng 13 taon.
Makakaasa aniya na patuloy ang Navy sa pagpapanatili ng mas magandang relasyon sa bawat komunidad at sa civilian sector. | ulat ni AJ Ignacio