Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na na-recover na nila ang kanilang account sa Facebook Page matapos itong atakihin sa ikatlong pagkakataon ngayong taon.
Sa statement na inilabas ng PCG, muli nilang nabawi mula sa mga hacker ang kanilang account kaninang alas 5:45 ng umaga.
Naalis na rin daw nila ang page administrators ng mga suspected hacker na may mga pangalang Fatima Hasan, Murat Kansu at Vicky Bates.
Ayon sa Cybercrime Investigation Coordinating Center, ang mga hacker ay gumamit ng malware virus para sirain ang Facebook Page ng PCG.
Noong unang linggo ng Pebrero, na-hacked ang websita ng Philippine Coast Guard kung saan ang pinagdududahan ay ang China Unicom, isang Chinese state-owned telecommunications company.
Maliban sa PCG, nabiktima rin ng hacking ang iba pang government agencies kung saan natukoy ang IP Address ng mga hackers mula sa China. | ulat ni Michael Rogas