“Happy World NGO Day, everyone!” Ito ang pagbati ni Dennis J. I. Salvador, Executive Director ng Philippine Eagle Foundation (PEF) na isang non- government organization (NGO) na nakabase sa Barangay Malagos, Calinan District, Davao City.
Kaugnay ito sa pagdiriwang ng World NGO Day Martes February 27, 2024, kung saan ang PEF ay nakikiisa sa pagdiriwang.
Ayon kay Salvador, itinaas nila ang bawat isa, lalo na ang mga nakikiisa sa kanila at sa mga partners sa conservation na parehong nag-a-adbokasya para sa kanilang hangaring maisalba ang lahi ng pambansang ibong Agila.
“Ginagawa namin ang lahat ng ito dahil ang conservation ay hindi lamang basta trabaho. Ito ay pag-contribute din para sa katatagan ng kapaligiran na nagbibigay ng pakinabang para sa buong bansa at walang pinipili,” dagdag pa ni Salvador.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao