Nagpahayag ng pagkabahala ang Philippine Red Cross (PRC) sa food at water borne health emergency sa Agusan del Sur.
Batay sa datos ng Agusan del Sur Provincial Health Office, nasa 216 na mga inbidwal ang naitalang nakaranas ng food at water borned disease sa Barangay Tandang Sora.
Sa isang pahayag, sinabi ng PRC na ang kalagayan ng mamamayan ang kanilang pangunahing inaalala kaya’t tiniyak nitong patuloy na tutulong upang madala sa ospital ang mga indibidwal na makararanas ng nasabing sakit.
Kabilang ang PRC sa mga humanitarian organization na tumutulong at nagbibigay ng mainit na pagkain sa libo-libong mga residente na apektado ng pagbaha sa Mindanao.
Patuloy naman iniimbestigahan ng lokal na pamahalaan ang sanhi ng health emergency at pansamantala ring ipinahinto ang hot meals program ng PRC.
Tiniyak naman ng PRC na suportado nito naturang imbestigasyon at makikipagtulungan sa lokal na pamahalaan. | ulat ni Diane Lear