Ayon kay Dr. Paul Alanis, Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Resident Volcanologist , Phreatic Explosion ang naganap sa Bulkang Mayon bandang alas 4:37 ngayong hapon Pebrero 4, 2024. Dala nito ang pagbuga ng abo na umabot sa 1,200 meters mula sa crater ng bulkan.
Itinaboy ang abo sa southwest portion ng bulkan partikular na sa bayan ng Daraga, Camalig at Guinobatan area dahil sa umiiral na direksyon ng hangin.
Asahan na ang ganitong mga aktibidad ng bulkan dahil sa abnormalidad nito na kasalukuyang nasa Alert Level 2.
Diin ni Alanis, kahit walang alert level maaari itong maganap, at walang signs na ipinapakita bago ito mangyari.| ulat ni Nancy Mediavillo| RP1 Albay