Hindi pa rin isinasara ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang posibilidad na may kinalaman sa mga usapin sa South China Sea (SCS) ang tangkang pag-hack sa ilang government sites ng Pilipinas.
Ito ayon kay DICT Secretary John Ivan Uy ay kahit pa nag-alok na ang China na tumulong sa ginagawang imbestigasyon ng Pilipinas, upang mapapanagot ng bansa ang mga nasa likod ng tangkang hacking na ito.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na masyado pang maaga upang magkaroon ng konklusyon para dito.
Gayunpaman, nananatili pa rin aniya ang posibilidad ng lahat ng anggulo.
Paliwanag ng kalihim, sa ginagawa nilang imbestigasyon lahat ng posibleng rason sa tangkang hacking ay kaninang ikinu-konsidera.
“Well, that’s not for us to come out with that conclusion yet ‘no; it’s too early. But anything is possible. So we just need to, I think, currently take it at face value and see how things develop. In cyber investigations and in analyzing all of this, we never rule out anything.” —Secretary Uy
Gayundin ang tulong mula sa ibang bansa, na nais umalalay sa ginagawang imbestigasyon ng Pilipinas.
“Everything is in the realm of the possible, but we always maintain open arms. Anyone who wants to cooperate, you know, we don’t reject those offers and then see where we go from there.” —Secretary Uy. | ulat ni Racquel Bayan