Kaisa ng United Kingdom ang Pilipinas sa pananalangin ng agarang paggaling at full recovery ni King Charles.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. makaraang ma-diagnose na mayroong cancer ang 75-year old na British monarch.
Kaugnay nito, taos-puso ang ipinaabot na best wishes ng Pangulo kay King Charles at Queen Camilla.
“Sending my heartfelt best wishes to King Charles and Queen Camilla. The Philippines is with the United Kingdom in praying for the King’s swift and full recovery.” Pangulong Marcos.
Matatandaan na araw ng Lunes, nang i-anunsyo ng Buckingham Palace ang medical condition ng hari. Kung saan ang mga senior royals ng UK, ang pansamantala munang humahalili sa mga aktibidad ni King Charles. | ulat ni Racquel Bayan