Muling binigyang pagkilala sa world stage ang Pilipinas matapos matanggap ng bansa ang prestihiyosong Migrants4Climate (M4C) Award sa ginanap na Global Forum on Migration and Development Summit sa Geneva, Switzerland.
Sa nasabing kaganapan, binigyang pansin ang Liter for Light Project ng Pilipinas dahil sa makabuluhang climate action nito sa local level.
Sinimulan, noong 2013 matapos ang Typhoon Haiyan, ang Liter for Light Project ay nagtaguyod ng pagtatayo ng mga solar lights sa mga komunidad gamit ang mga hand-built circuit at recycled materials.
Ayon kay Illac Diaz ng Liter for Light Project, sa kasalukuyan mahigit isang milyong katao na mula sa 32 bansa ang natulungan ng kanilang proyekto.
Habang binati naman ni Ambassador Ma. Theresa B. Dizon-de Vega ang proyekto, na naglalarawan umano ng katatagan, kabutihan, at matibay na suporta ng mga Pilipino sa mga adbokasiya ukol sa migrasyon.| ulat ni EJ Lazaro