Ibinahagi ni House Committee on Economic Affairs Vice-Chair Mikka Suansing na sa kabuuang investment na pumasok sa ASEAN Region ay tatlong porsiyento lang ang piniling mamuhunan sa Pilipinas.
Dahil dito, binigyang diin ni Suansing na panahon na talagang amyendahan ang ating Saligang Batas.
Sa press conference sa Kamara, sinabi ng mambabatas na sa kabila ng magandang potensyal ng Pilipinas para paglagakan ng puhunan ay mas pinipili ng mga foreing investor na ilagay ito sa ating karatig bansa.
Ito ay dahil na rin sa napakahigpit na probisyong pang-ekonomiya na nakasaad sa Konstitusyon partikular sa pag-mamayri ng mga sektor gaya ng mass media, advertising at edukasyon.
Katunayan, dahil sa mas bukas ang bansang Singapore sa foreign ownership ay 50% ng kabuuang investment sa ASEAN ay dito napunta.
Sinegundahan naman ni Deputy Speaker Tonypet Albano ang pahayag ni Suansing.
Mimsong ang Konsitusyon kasi aniya natin ang pumipigil sa pag-unlad ng bansa kaya ngayon ang pinaka akmang panahon para ito ay ayusin.
Binanggit din nito ang isang pahayag ni Thomas Jefferson, na ang Konstitusyon ay dapat binabago isang beses kada 19 na taon. | ulat ni Kathleen Forbes