Ibinalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang matagumpay na misyon ng BRP Sanday sa Bajo de Masinloc.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BFAR Nazario Briguera na umakyat sa higit 44,000 litro ng diesel ang naipamahagi ng pamahalaan sa higit 40 Filipino fishing boats sa lugar.
Nakapagbigay rin aniya sila ng 270 liters ng drinking water, at 20-gallon ng fresh water.
Pagbibigay diin ng opisyal, traditional fishing ground ng bansa ang Bajo de Masinloc, malaki ang papel nito sa marine ecosystem ng bansa, at malaki ang papel nito upang mapanatali ang integridad ng karagatan ng Pilipinas.
“Dapat nating maintindihan na napakalaki ang papel nito sa ating Marine Eco System. Alam naman natin na may mg bahura doon, pangitlugan ng mga isda. So, ganoon siya kahalaga doon sa pagpapanatili ng integridad ng ating karagatan.” -Spox Briguera. | ulat ni Racquel Bayan