Pumalo sa 6.55% at 7.05% ang dividend rate na naitala ng PAG-IBIG Fund para sa taong 2023, mas mataas ito kumpara noong 2022.
Sa 2023 Chairman’s Report ng PAG-IBIG Fund, naitala rin ang pinakamataas na NET income ng tanggapan na nasa P49.79 billion.
P925.61 billion para sa total assets, na 12% na mas mataas kumpara noong 2022.
Ayon kay PAG-IBIG President Marilene Acosta, sinunod lamang nila ang pakiusap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong nakaraang taon na i-sustain ang pagtaas ng mga numerong ito.
Sabi ng opisyal, hindi lamang nila basta na-maintain ang mataas na turn out noong 2022 bagkus nahigitan pa nila ito para sa 2023.
Pumalo rin aniya sa P142. 19 billion ang total loan payments nitong 2023.
Nasa P20.17 billion naman ang approved loans, at higit 100,000 miyembro ang napaglingkuran ng PAG-IBIG on wheels.
Ayon sa opisyal, maituturing na best performing year ng PAG-IBIG ang 2023 at mananatili silang reliable arm ng pamahalaan sa pag-alalay at pagpapaabot ng tulong sa mga Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan