Naibalik na ang tiwala ng pribadong sektor na makipagtulungan sa pamahalaan.
Patunay dito ang naitalang 96.8 percent employment rate para sa buwan ng Disyembre 2023.
Pinakamataas na employment rate ito na naitala sa bansa mula noong 2005.
Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, maliban sa kinukumpirma nito na ang Pilipinas nga ang may pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa rehiyon noong 2023, ay nagbalik na ang kumpiyansa ng pribadong sektor sa gobyerno dahil sa mga polisiyang ipinatupad ng Marcos Jr. administration.
Sa kabuuan, nakikita aniya ng pribadong sektor na maaari silang makipagtulungan sa administasyon at patotoo dito ang kanilang pagbubukas ng empleyo para sa mas maraming manggagawa.
“As far as economics goes, a 3.1 percent unemployment rate is as good as full employment. This jobs report confirms that the Philippines is the fastest growing economy in the region for 2023… The President’s policies and his signaling have restored confidence in the private sector. Business expectations are upbeat and more or less where it was prior to the pandemic,” ani Salceda.
Tinukoy pa ng House Tax chief na sa unang buong taon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pwesto ay nakalikha ito ng 1.5 million na trabaho mula sa private sector.
“President Marcos’ first full year in office created some 1.5 million jobs, including some 44,000 manufacturing jobs, and some 777,000 jobs in the manufacturing sector – primarily driven by the private sector, since public sector spending grew at a modest 0.4 percent last year,” pagbabahagi ng mambabatas.
Lumago sin aniya ang industry sector na nakalikha ng 869,000 jobs year-on-year.
Bagamat lumago din ang empleyo sa agriculture, forestry, at fisheries sectors na may 555,000 jobs, kailangan aniya na mabuhusan pa rin ng investment ang naturang mga sektor.
“We need to back our agriculture sector with sustained public and private investment… But, as investment figures show, we really need to open up our agriculture sector to more capital. This is the whole point of my strong advocacy for changes in the Constitution: no half-hearted charter amendments, but a full-on confrontation of under-investment in land,” sabi pa ng Albay solon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes