“Piso mo, kinabukasan ko,” tampok sa pagdriwang ng Fiesta Tsinoy sa Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tampok sa pagdiriwang ng Fiesta Tsinoy sa Albay ang inilunsad na “Piso Mo, Kinabukasan Ko” ng Tzu Chi Foundation.

Layunin nitong makaipon ng sapat na tulong pinansyal gamit ang barya para sa mga batang Albayano na kapos sa pag-aaral.

Ayon kay Antonio Tan, tagapagsalita Tzu Chi Foundation sa Albay, mayroong aabot sa mahigit 50 mag-aaral sa Albay ang kasalukuyang natutulungan ng nasabing inisyatibo.

Dagdag niya, sa pamamagitan nito, nabibigyan ng pag-asa ang mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta si Albay Governor Edcel Greco “Grex” Lagman sa nasabing foundation. Aniya, bukas aniya ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa tulong na kayang ibigay ng kapitolyo. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

📷DSWD Bicol

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us