Sa layuning mapabilis ang proseso ng land use at urban development sa bansa, inilunsad ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang programang PLANADO (Plan & Do).
Isa itong five-year program na tatakbo mula 2024- 2028 na layong mapatatag ang kapasidad ng bawat LGUs sa proseso ng land use at urban development.
Pinangunahan ni DHSUD Undersecretary Henry Yap ang paglulunsad ng programa sa Cebu kung saan ipinunto nito ang kahalagahan ng pagbibigay suporta sa mga LGU at iba pang “urban actors” sa pagpaplano ng mga komunidad.
“At the Department, apart from building and implementing housing programs, we see ourselves as mediators or facilitators in the planning process. We help different stakeholders, from government agencies to local communities, to coordinate our actions towards the common goal of creating a well-planned community,” ani Undersecretary Yap.
Ayon sa DHSUD, nakatutok ang PLANADO Program sa pagkamit ng zero backlog sa Comprehensive Land Use Plans and Provincial Development and Physical Framework Plans pagtuntong ng 2028 at pagtataguyod ng urban development para sa susunod na henerasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa