Patuloy na isinusulong ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes sa pagpapabuti ng healthcare services ng bansa.
Kaya naman suportado ng mambabatas ang plano ng pamahalaan na madagdagan ang mga specialty hospital sa mga rehiyon.
Kapuri-puri ani Reyes ang commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makapagpatayo ng dagdag pang 179 specialty centers hanggang 2028.
“We thank the President for his commitment to bringing healthcare closer to the people and we laud his lofty goal of establishing an additional 179 specialty centers by 2028. Bilang isa sa mga unang nagsulong ng pagkakaroon ng specialty hospitals sa mga kanayunan, makakaasa po ang ating mga kababayan sa ating lubos at patuloy na suporta sa programang ito,” ani Reyes.
Isa si Reyes sa mga mambabatas na naghain ng panukala para sa pagkakaroon ng Regional Specialty Centers na naging ganap na batas noong Agosto 2023.
Tinukoy pa ng mambabatas na hanggang Disyembre 2023, umabot na sa 131 ang functional specialty centers ang naipatayo sa pamamagitan ng naturang batas.
“This is a perfect example of a law working for the people. By bringing these specialty centers closer to our people, we reassure our kababayans that wherever you are in the Philippines, you can have access to affordable, specialized care,” sabi ng kinatawan.
Sa ilalim ng 2024 budget, pinaglaanan ang pagtatayo ng dagdag na specialty centers ng P11.12 billion na pondo. | ulat ni Kathleen Forbes