Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatili ang posisyon ng Pilipinas kontra sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa umano’y paglabag sa karapatang pantao ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.
Pahayag ito ng Pangulo, kasunod ng resulta ng OCTA Research survey kung saan lumalabas na 55% ng mga Pilipino ang pabor na makipagtulungan ang pamahalaan sa ICC probe.
Sa ambush interview sa Pangulo, sinabi nito na kahit pa makapag-produce ng ebidensya ang ICC wala pa rin sila hurisdiksyon sa Pilipinas.
“It opens a pandora’s box. It’s still those questions of jurisdiction and sovereignty. I haven’t yet seen a sufficient answer for it. Until then, I do not recognize their jurisdiction in the Philippines. I cannot, that seems to be the only logical conclusion that could come to from that situation.” -Pangulong Marcos Jr.
Pagbibigay diin ng Pangulo, ang usapin sa ICC investigation ay usapin ng hurisdiksyon at soberanya, at hindi ng dami ng maku-kolektang ebidensya o ano pa man.
“No. It’s not about the evidence. It’s about the jurisdiction of the ICC in the Philippines. They could produce as much evidence as they want. But they could not act upon it in the Philippines, that is the point.” – Pangulong Marcos
Kaugnay nito, nilinaw rin ng Pangulo na isang bukas na bansa ang Pilipinas at hangga’t walang iligal na ginagawa ang ICC investigators sa Pilipinas, hindi rin sila maaaring pagbawalan na bumisita sa Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan