Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilya na apektado ng kalamidad sa Davao De Oro.
Namahagi ang PRC katuwang ang gobyerno ng Australia ng non-food items, at mother at newborn kits sa mga benepisyaryo.
Nasa 24,493 na mga pamilya at 39 na mga buntis ang nakatanggap ng tulong. Kasalukuyan silang tumutuloy sa mga evacuation center sa lalawigan, matapos na maapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa na dulot ng shearline at low pressure area.
Nagpasalamat naman si PRC Chairperson Richard Gordon sa pamahalaan ng Australia sa kanilang tulong na ipinaabot sa mga apektadong pamilya.
Umaasa ang PRC na magpapatuloy ang pagtutulungan ng iba’t ibang organisasyon upang matugunan ang pangngailangan ng mga komunidad sa lalawigan. | ulat ni Diane Lear