Umabot na sa 71,000 na pagkain at 38,000 na indibwal ang nabigyan ng malinis na tubig ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga apektakdo ng kalamidad sa Mindanao na dulot ng shearline at low pressure area.
Ito ay sa nakalipas na 30 araw na operasyon ng PRC sa nasabing lalawigan.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, agad na nagpadala ang PRC ng pagkain at tubig matapos na mangyari ang malawakang pagbaha at landslide sa Mindanao.
Nasa 37 food trucks at 29 na water tankers ang ipinadala ng PRC sa mga lugar na apektado ng kalamidad upang makatugon sa pangangailangan ng mga residente.
Bukod dito, patuloy din ang pagbibigay ng PRC ng humanitarian assistance gaya ng mga gamot, psychosocial aid, at emergency shelter interventions sa Davao Region, Agusan del Sur, at Agusan del Norte.| ulat ni Diane Lear