Excited si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdating pa ng mas maraming pamumuhunan sa bansa.
Binanggit ito ng Punong Ehekutibo sa isinagawang paglulunsad ng Philippine Domestic Submarine Cable Network (PDSCN) na magpapabilis ng fiber internet.
Ang pagpapahayag ng positibong pananaw ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa gitna ng inaasahang mas marami pang kolaborasyon sa Japan gaya ng inilunsad na PDSCN na aniya’y magkasamang bisyon ng Pilipinas at ng Japan.
Ayon kay Pangulong Marcos, ikatutuwa ng pamahalaan na makitang tuloy-tuloy ang
mas marami pang mga investment na inaasahan nilang magkakatotoo sa hinaharap.
Tinawag namang game changer ng Pangulo ang paglulunsad ng PDSCN na aniya’y magpapa-angat sa standing ng Pilipinas kung pag- uusapan ay internet interconnectivity lalo’t ipinupursige ng kanyang administrasyon ang digital transformation. | ulat ni Alvin Baltazar