Nakakabahala na hindi na lamang basta Chinese Coast Guard ang nakikita sa West Philippine Sea bagkus ay mayroon na ring presensya ng Chinese Navy na sumasama pa sa fishing boat.
“It’s worrisome because there are two elements to that. One, dati Coast Guard lang ng China ang gumagalaw doon sa area natin, ngayon may Navy na, sumama pa mga fishing boat. So nagbabago ang sitwasyon.” — Pangulong Marcos.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng ulat ng umano’y electronic interference o pag-jam ng China sa signal ng ilang equipment ng Philippine vessel sa lugar.
Sabi ng Pangulo, maliwanag na nagbabago na ang sitwasyon doon.
Gayunpaman, ang pamahalaan ay mananatiling nakabantay sa mga bagong kaganapan.
Anuman ang mangyari sa WPS, tuloy pa rin aniya ang gobyerno sa pagdepensa sa maritime territory nito.
“That’s essentially the issue there. So that’s the basic principle there is that the fishers must be allowed to fish in their traditional fishing grounds which belong in the maritime territory of the Philippines.” — Pangulong Marcos.
Gayunrin ang pagpapaabot ng suporta sa mga Pilipinong mangingisda upang malayang makapag-hanapbuhay ang mga ito sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas.
“Despite whatever else happens — bina-block tayo, kung ano, may shadow— patuloy pa rin ang ating gawin dahil ‘yan naman ang trabaho natin. Trabaho natin eh tulungan natin ang mga fishers na matagal na, ilang henerasyon na doon nangingisda.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan