Nagsisimula nang maramdaman ang pagbaba sa presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa Q-Mart sa Quezon City, may ilang nagtitinda ang nagbaba na rin ng presyo ng bentang premium rice.
Mayroon na ngayong ₱55 na kada kilo ng premium rice mula sa dating ₱56-₱57 kada kilo.
Nananatili naman sa ₱54 ang presyo ng well milled na bigas.
Ayon sa ilang nagtitinda, bumaba na rin ang kuha nila sa ilang supplier dahil sa pagsisimula ng anihan sa Central Luzon.
Batay rin sa monitoring ng DA, naglalaro na ngayon sa ₱42 hanggang ₱55 ang presyo ng well milled na bigas sa mga pamilihan sa National Capital Region (NCR). | ulat ni Merry Ann Bastasa