Nakikita ng Department of Agriculture ang pagbaba sa presyo ng bigas sa merkado sa mga susunod na linggo.
Ayon kay DA Spox Arnel de Mesa, nagsimula na kasi ang anihan sa Central Luzon na hudyat na magsisimula na ring bumaba ang farmgate price ng palay.
Dahil dito, inaasahan ng DA na mas bababa pa sa kasalukuyang retail na P52-P54 kada kilo ang bentahan ng well-milled na bigas sa mga susunod na buwan.
May direktiba na rin aniya si DA Sec. Laurel sa National Food Authority na maging masigasig sa pagbili ng palay sa mga magsasaka ngayong taon.
Bukod sa farmgate price, kabilang sa kadalasang nakakaapekto sa presyuhan ng bigas sa mga pamilihan ay ang traders gayundin ang suplay at presyuhan sa international market. | ulat ni Merry Ann Bastasa