Walang inaasahang paggalaw sa presyo ng ibinebentang prutas sa Muñoz Market kahit ngayong palapit na ang Chinese New Year.
Ayon kay Mang Al, tindero ng prutas, hindi sila magtataas ng presyo dahil hindi naman lubusang tumataas ang demand ng prutas kapag ganitong panahon.
Hindi kasi aniya gaya ng Bagong Taon na marami ang namimili ng prutas, mas kakaunti lang ang mga sumusunod sa tradisyon na maghanda ng mga bilog na prutas kapag Chinese New Year.
Narito ang presyo ng mga tindang prutas sa Muñoz Market:
• Pomelo – ₱160 kada piraso
• Orange- ₱30 kada piraso
• Apple – ₱35 kada piraso
• Melon – ₱100 per kilo
• Peras – ₱30 kada piraso
• Lemon – ₱15 kada piraso o ₱50 sa tatlong piraso
• Kiat kiat – ₱130 per kilo
• Ponkan – ₱30 kada piraso
• Pakwan – ₱70 per kilo
• Kiwi – ₱35 kada piraso
• Dragon fruit – ₱250 kada kilo
• Longgan – ₱180 per kilo
• Kaimito – ₱80 per kilo
• Saging – ₱110 per kilo
| ulat ni Merry Ann Bastasa