Aabot sa ₱50 ang ibinaba sa presyo ng mga gulay sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sibuyas ang lumalabas na pinakamababa ang presyo sa mga itinitinda rito. Sibuyas – (Puti) ₱80/kilo; (Pula) ₱100/kilo.
Naglalaro naman sa ₱50 hanggang ₱80 ang kada kilo ng talong, ampalaya, beans, at ang kalabasa ay nasa ₱30-₱50 ang kada ulo.
Habang ang ilan pang gulay gaya ng kamatis, luya, carrots, repolyo, at patatas ay nasa ₱100 rin ang kada kilo.
Ang bell pepper ay nasa ₱150 ang kada kilo.
Samantala, tumaas naman ang presyo ng karne gaya ng baboy, naglalaro sa ₱300 hanggang ₱320 ang kada kilo depende sa klase. Liempo – ₱380/kilogram at buto-buto ng baboy – ₱280 kada kilo.
Ang baka naman ay nasa ₱420/kilo at ang manok ay nasa ₱170/kilo. | ulat ni Jaymark Dagala