Bumaba ang presyo ng ilang paninda sa Marikina City Public Market ngayong araw.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nabatid na aabot sa ₱20 ang ibinaba sa presyo ng ilang paninda bunsod na rin ng maraming suplay na ibinabagsak sa ilang nagtitinda.
Kabilang sa mga bumaba ang presyo ay ang talong na nasa ₱80 kada kilo habang nananatili naman ang presyo ng iba pang gulay gaya ng:
Bell Pepper – ₱200/kg
Sibuyas – ₱80/kg sa Pula; ₱65/kg naman sa puti
Bawang – ₱140/kg
Luya – ₱150/kg
Kamatis – ₱100/kg
Carrots – ₱100/kg
Repolyo – ₱50/kg
Pechay Baguio – ₱50/kg
Kalabasa – ₱60/kg
Sayote – ₱30/kg
Manok – ₱175/kg (bumaba ng ₱5 kumpara sa dating ₱180/kg)
Baboy – ₱300/kg (bumaba sa dating ₱320-₱340/kg)
Baka – ₱370/kg
Galunggong – ₱180/kg hanggang ₱200/kg
Tilapia – ₱120/kg
Bangus – naglalaro sa ₱180/kg hanggang ₱200/kg
| ulat ni Jaymark Dagala