Bumaba ang presyo ng manok sa Marikina City Public Market bunsod ng pagdami naman ng suplay nito at mababang farm gate price.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱145 hanggang ₱150 ang kada kilo ng manok na mabibili sa nabanggit na pamilihan.
Ayon sa ilang nagtitinda, bagaman malikot ang presyuhan ng manok dahil sa linggo-linggo itong gumagalaw, mas mababa di hamak ang presyuhan ngayon dahil sa dami ng suplay.
Ang magandang balita, hindi naman matumal ang bentahan ng manok kaya’t nakababawi-bawi na rin ang ilan sa mga nagtitinda nito.
Samantala, bahagyang may kamahalan pa rin ang presyo ng baboy kung saan, nasa ₱340 kada kilo ang kasim habang ang liempo ay nasa ₱380 kada kilo pero may naikutan ang RP1 na nagbebenta ng ₱290/kilo, ito naman ay inahin o palambutin na baboy.
Narito naman ang presyo ng iba pang pangunahing bilihin sa Marikina City Public Market ngayong araw ng Lunes:
Baka – ₱450/kg
Galunggong – ₱200 – ₱240/kg
Tilapia – ₱120/kg
Bangus – ₱180 – ₱280/kg (depende sa laki)
Sibuyas – ₱80/kg
Bawang – ₱140/kg
Luya – ₱120/kg
Kamatis – ₱70 – ₱100/kg
Patatas – ₱100/kg
Carrots – ₱100/kg
Talong – ₱60/kg
Repolyo – ₱50/kg
Pechay Baguio – ₱50/kg
Sayote – ₱40/kg
| ulat ni Jaymark Dagala