Tiwala ang mga nagtitinda ng gulay sa Pasig City Mega Market na patuloy pang bababa ang presyo ng ilang gulay gaya na lamang ng sibuyas.
Ayon sa ilang maggugulay, ito’y dahil sa dami ng suplay ng sibuyas na ibinabagsak sa pamilihan.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱80 hanggang ₱90 ang kada kilo ng sibuyas na malaki na ang ibinaba kumpara sa dating ₱110 hanggang ₱120 ang kada kilo.
Ayon sa ilang nagtitinda, bukod sa may aanihin pa ay marami ring suplay mula sa Nueva Vizcaya na hindi pa naibababa.
Kaya’t kung makararating na ito sa Metro Manila ay tiyak na bababa pa ang presyo nito sa mga susunod na araw.
Habang ang kamatis naman, mula sa dating ₱80 ay naglalaro na ngayon sa ₱115 hanggang ₱120 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala