Proteksyon at benepisyo para sa mga waste workers, ipinapanukala sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ngayon ni House Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar ang pagbuo ng isang programa na magbibigay proteksyon at tulong sa waste workers sa bansa.

Sa kaniyang House Bill 9806 o Waste Workers’ Health and Welfare Act, aatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na bumuo ng Waste Workers’ Health and Welfare program para sa proteskyon ng karapatan at kapakanan ng waste workers.

Sakop nito ang mga nagngongolekta, nabgbibiyahe, nagpoproseso at nagtatapon ng mga basura gaya ng garbage collectors, waste pickers, recyclers, at mga nagtatrabaho sa landfill at dumpsite.

Kasama sa ibibigay na benepisyo ang health coverage, occupational safety training, personal protective equipment, educational at financial assistance, at iba pa.

Para sa mambabatas, mayroon ding malaking papel ang mga waste worker sa solid waste management ng bansa kaya’t marapat lamang na mabigyan sila ng angkop na proteksyon at benepisyo.

Magkakaroon naman ng isang Registration and Monitoring System kung saan irerehistro ang lahat ng waste workers para sa coverage ng mga benepisyo.

Halimbawa nito ang healthcare benefit packages gaya ng libreng taunang check-up, pagbabakuna, hospitalization assistance, katuwang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Maliban sa manggagawa, pinabibigyang din ng educational assistance at scholarship ang kanilang dependents. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us