Proyektong register anywhere ng COMELEC, isinagawa sa tanggapan ng MERALCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang proyektong “Register Anywhere” sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ngayong araw, pinangunahan ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia ang paglulunsad ng proyekto sa tanggapan ng Manila Electric Company (MERALCO) sa Pasig City.

Sa ilalim ng proyekto, maaari nang magparehistro saan man kahit wala sa kanilang tinatawag na place of residence.

Dito, tatanggapin ang new registration, transfer of registration mula Municipality/City at District gayundin ang transfer of registration mula overseas patungong local, correction of entries o change of status at reactivation.

Dahil sa tulong ng “Register Anywhere Project”, umaasa ang COMELEC na tataas ang bilang ng mga bagong botante na maaaring makaboto sa darating na 2025 mid-term elections.

Unang inilunsad ang RAP sa ilang piling shopping malls sa Metro Manila, Central Visayas at Bicol Region bago dinala sa ilang tanggapan.

Samantala, dahil sa RAP, hinikayat ng MERALCO ang kanilang mga empleyado na magparehistro ng maaga para makaboto. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us