Sinisiguro ng Philippine Statistics Authority na accessible sa lahat ng mamamayang Pilipino ang serbisyo ng Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, sinisikap ng ahensya na malibot ang lahat ng rehiyon at lalawigan para sa PhilSys registration .
Sinabi pa niya na lahat ng tauhan ng PSA sa pamamagitan man ng fixed registration centers o mobile at institutional sites ay handang mag-alok ng tulong na kinakailangan.
Kamakailan, dinayo ang iba’t ibang lugar sa Bacolod City sa Negros Occidental para sa PhilSys registration at pag-iisyu ng ePhilID.
Ginamit din sa aktibidad ang PhilSys on Wheels para marating ang mga malalayo at liblib na lugar.
Batay sa datos, umabot na sa 83,640,353 Pilioino ang nakapagparehistro sa PhilSys at 43,559,851 naman ang na-isyung ePhilIDs sa buong bansa hanggang Enero 26, 2024. | ulat ni Rey Ferrer
📷: PSA