Mas mainam kung uunti-untiin ang pagpapatupad ng isinusulong na P100 minimum wage hike para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Sa ganitong paraan ayon kay Private Sector Advisory Council (PSAC) Lead for Jobs Joey Concepcion, hindi mabibigla ang mga maliliit na negosyante at mas kakayanin ng mga ito na makasabay sa pagtataas ng minimum wage.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, inihalimbawa ni Concepcion ang mga nagdaang administrasyon kung saan paunti-unti rin ang pagpapatupad ng P15 hanggang P30 na umento sa sahod.
Wala aniyang nagpatupad ng biglaang P100 wage increase, lalo’t ang mga malalaking korporasyon lamang ang nakikitang kayang makasabay dito.
Sabi pa ni Concepcion, sa kasalukuyan mas mainam kung tututukan na lamang ang paglikha pa ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, at ang upskilling at upscaling ng mga manggagawa upang lumawak pa ang oportunidad na mabubuksan para sa mga ito.
“The more skills you have you can move up to the ladder and be promoted to higher positions which will give you higher pay. So, we really have to reskill/upskill our employs so they can have a better pay down the road ‘mo. The less skill that you have, of course, you will receive a lower wage – that’s a fact of life. And that is our goal, in these jobs is to try to find a way how to upskill/reskill our employees so that they can all receive a better wage.” —Concepcion. | ulat ni Racquel Bayan