Binibigyang pagpapahalaga ng Department of Health ang ginagawa ngayon ng publiko pagdating sa respiratory hygiene.
Ito ang naging pahayag ng ahensya matapos ma-monitor ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga may influenza-like na sakit at COVID-19 ngayong Pebrero.
Ayon sa DOH, malaking bagay ang paghuhugas ng kamay, paninigurado na mayroong tamang daloy ng hangin at bentilasyon sa lugar kung saan madalas nagtutungo ang isang indibidwal.
Dagdag pa ng DOH, mas makakabuti kung mananatili na lamang sa bahay sa tuwing may nararamdamang sakit o hindi naman kaya ay magsuot ng facemask kung kinakailangan talagang lumabas ng bahay.
Paliwanag ng ahensya, sa pamamagitan ng mga nabanggit na hakbang at updated na bakuna ay mapapanatili ng bansa ang mababang bilang ng mga influenza-like illness at kaso ng COVID-9. | ulat ni Lorenz Tanjoco