Puspusan na ang paghahanda ng Quezon City government para sa nalalapit na selebrasyon ng Chinese New Year sa lungsod.
Maging si QC Mayor Joy Belmonte, nag-ikot na rin sa kahabaan ng Banawe Chinatown nitong weekend para inspeksyunin ang ginagawang preprasyon sa tatlong araw na selebrasyon ng Year of the Wood Dragon.
Mag-uumpisa ang selebrasyon sa darating na Biyernes, February 9, hanggang February 11, 2024.
Kasama rin ng alkalde sa pag-inspeksyon ng lugar sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at City Engineer Atty. Dale Perral.
Ilan sa mga aktibidad na inaasahang tampok sa QC ay ang Chinatown Heritage Tour, ang food, arts and craft fair, float parade, at iba-ibang pagtatanghal mula sa local groups and celebrities. | ulat ni Merry Ann Bastasa