May ginagawa na ring mga hakbang ang Quezon City government upang maibsan ang epekto ng El Niño phenomenon.
Sa pangunguna ng QC Task Force El Niño, inatasan ang mga kinauukulang departamento ng pamahalaang lungsod na paghandaan ang El Niño.
Noong 2023, ang Quezon City ang naging unang lokal na pamahalaan sa bansa na nagpasimuno sa paggamit ng treated wastewater bilang isang water-saving initiative.
Isang kasunduan ang pinasok ng QC government at Maynilad Water Services Inc. para sa paggamit ng treated wastewater.
Palalawakin din ng City Engineering Department ang pag-install ng rainwater harvesting system lalo na sa mga public facilities.
Sa ngayon, 119 ng mga ganitong sistema ang gumagana sa mga pampublikong paaralan sa buong lungsod.
Bukod pa rito, ang pag-monitor ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lagay ng panahon at pagkilala sa mga water retention basin.
Samantala, mayroon na ring mapagkukunan ng tubig sa lungsod ang QC Fire District kung sakaling magkaroon ng kakulangan sa panahon ng mga insidente ng sunog.
Karagdagan pa rito ang agresibong information at education campaigns tungkol sa water conservation at epekto ng El Nino sa urban farms ay inaayos ng Climate Change and Environmental Sustainability Department at Food Security Task Force ng city government.| ulat ni Rey Ferrer