Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang pagsasaayos ng mga kable at paglilinis ng mga poste sa kahabaan ng FPJ (Roosevelt) Avenue.
Ito ay sa ilalim ng ‘Anti-Dangling and Illegal Wire Attachment Operations’ ng lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan sa mga kumpanyang Meralco at iba’t ibang telecommunications o communications service provider.
Layon nitong maiwasan ang disgrasya dulot ng maraming nakaharang at buhol-buhol na mga kable.
Pinangunahan ni QC Assistant City Administrator Atty. Rene Grapilon kasama sina District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at Barangay Katipunan Kapitan Elmer Baral ang operasyon.
Inaasahan namang magtatagal ito hanggang March 1, 2024 kaya inaabisuhan ang publiko na maaaring maging sanhi ito ng pagsisikip ng daloy ng trapiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa