Nagtungo sa Nairobi, Kenya si Quezon City Mayor Joy Belmonte para dumalo sa ika-6 na United Nations Environment Assembly (UNEA) Cities and Regions Summit.
Sa naturang assembly, magsisilbing summit rapporteur ang alkalde upang ilahad ang mga key take-aways at mungkahi na mapapag-usapan sa Cities and Regions Summit ng UNEA.
Dito ay inaasahang ibabahagi ng alkalde kung gaano kalaki ang epekto ng city-level climate at sustainability actions.
Kasama sa tatalakayin ng alkalde ang ilan sa mga programa ng Quezon City na nakatuon sa pangangalaga sa kalikasan tulad ng pagsulong ng Enhanced Local Climate Change Action Plan (ELCCAP), urban agriculture program ng lungsod, pagbawal ng plastic bags at single-use sachet, trash to cashback, at pagpalit ng mga QCity Bus para sa electric fleet.
Kasama naman ng alkalde sa naturang summit sina Councilor Vito Sotto Generoso, at Kristine Lea Sy-Gaon ng QC Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD). | ulat ni Merry Ann Bastasa