Pinagsusumite ni Quezon City Representative Marvin Rillo ang Department of Health (DOH) ng komprehensibong plano para sa pagdaragdag ng bed capacity sa mga pampublikong residential drug abuse at rehabilitation centers (DATRCs).
Sa gitna ito ng ulat na nagkakaroon ng overcrowding sa mga rehab centers at humahaba ang listahan ng naka-waitlist.
Sinabi ni Rillo, mahalaga ang naturang plano upang maisama ito sa pagbalangkas ng 2025 National Budget at masiguro na magpapatuloy ang ikatatagumpay ng programa ng pamahalaan.
“We would urge the DOH to prepare a more aggressive plan to augment the number of beds in existing DATRCs so that funding may be included in the 2025 national budget. If we want to succeed in suppressing the demand side of our illegal drug problem, we have to improve public access to DATRC services,” saad ni Rillo.
Sa ilalim ng batas ang isang drug dependent o kaniyang kaanak o guardian ay maaaring boluntaryong humingi ng tulong sa mga DATRC na pinatatakbo ng DOH.
Kasalukuyan, mayroon 23 DATRC na pinapatakbo ang DOH sa 14 na rehiyon at pinaglaanan ng ₱1.58-billion sa ilalim ng 2024 budget.
Kabilang dito ang Bicutan Rehabilitation Center; Las Piñas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center; Dagupan Rehabilitation Center; San Fernando, La Union Treatment and Rehabilitation Center; Bauko, Mountain Province Treatment and Rehabilitation Center; Isabela Rehabilitation Center; Bataan Rehabilitation Center; Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center; Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center CALABARZON; Tagaytay Rehabilitation Center; Camarines Sur Rehabilitation Center; at Malinao, Albay Rehabilitation Center; sa Luzon.
Sa Visayas naman ang Pototan, Iloilo Rehabilitation Center; Argao, Cebu Rehabilitation Center; Cebu City Rehabilitation Center; and Dulag, Leyte Rehabilitation Center.
Habang sa Mindanao ay ang Zamboanga City Treatment and Rehabilitation Center; Cagayan de Oro Rehabilitation Center; Malaybalay, Bukidnon Treatment and Rehabilitation Center; Malagos, Davao Treatment and Rehabilitation Center; SOCCSKSARGEN Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center; CARAGA Rehabilitation Center; at San Francisco, Agusan del Sur Treatment and Rehabilitation Center. | ulat ni Kathleen Jean Forbes