Magbabalik sa Kamara ang “Register Anywhere Program” (RAP) ng COMELEC para mailapit sa mga taga House of Representatives ang voters’ registration para sa 2025 mid-term elections.
Batay sa anunsyo ng Kamara, aarangkada ang RAP sa HREP part 2 sa Batasang Pambansa sa February 29 sa Nograles Hall, at March 21 sa Belmonte Hall.
Bukas ito mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Kasama sa mga maaaring magpa-rehistro ang mga empleyado, congressional staff, at mismong House members.
Sinimulan ngayong araw ng COMELEC ang voter registration para sa para sa 2025 Midterm Elections.| ulat ni Kathleen Forbes