Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-aaral sa mungkahi na gawing legal ang motorcycle taxi, na kasalukuyang ginagamit ng mas maraming commuter sa bansa.
Kasunod ito ng naganap na pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng TNVS na Grab at Department of Transportation (DOTr), upang talakayin ang pagpapalawak pa ng mga oportunidad sa bansa.
Kaugnay nito, kinilala ng Pangulo ang kontribusyon ng kumpanya sa paglikha ng trabaho sa Pilipinas lalo na sa pagpapababa ng unemployment rate ng bansa.
“Your impact on unemployment numbers is comprises about 1.1 percent of the increase in employment in the past year and half. That was Grab, so that’s the 300,000 that we’re talking about has a significant effect,” —President Marcos Jr.
Nitong 2023, ang kumpanya ay nakalikha na ng higit 100,000 driver at operator jobs at nakapag- digitalized na ng higit 15,000 micro, small and medium enterprises (MSMEs).
“Actually, there are upstream and downstream that comes with it, so yeah, there are jobs created not only the actual operators,” —President Marcos.
Kaugnay nito, sinabi ng Grab na mula nang mapasailalim sa kanila ang motorcycle taxi na Move It, umakyat sa 300,000 rides ang nagagawa nila sa isang araw. | ulat ni Racquel Bayan