Halos isang milyon na ang kabilang sa reserve force ng Philippine Army.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, target ng Philippine Army na mas lalo pang palakasin ang pwersang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga karagdagang regional at community defense centers.
Sa kasalukuyan aniya ay may mga bagong inorganisang mga grupo at center ang Philippine Army upang mapagsilbihan ang mga mamamayang nais maging reservist.
Sa pamamagitan aniya ng mga karagdagang sentro ay magiging mas organisado ang reserve force.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Col. Dema-ala na pinag-aaralan din ng Philippine Army kung paano gagawing mas “responsive” ang kurikulum ng Reserve Officers Training Corps sa sitwasyon at security environment na kinakaharap ng bansa. | ulat ni Leo Sarne