Umakyat na sa halos isang milyon ang bilang ng Reserve Force ng bansa, ngayong 2024.
“Kaya tinitingnan natin with the organization of this new RCDGs and CDCs para ma-cater natin itong lahat ng mga reserve force.” —Col. Dema-ala.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Philippine Army Public Affairs Chief Colonel Louie Dema-Ala na patuloy pang palalakasin ng pamahalaam ang reserve force ng bansa.
Mayroon aniya silang bagong in-organize na regional community defense groups at community defense centers, upang agad na ma-cater ang mga Pilipinong nais na mag-volunteer at maging bahagi ng army reservist.
“As long as nasa 18 and above na sila. Ang limit lang natin kapag 60 years old, kumbaga nasa senior ka na, nasa category 3. So sila iyong last priority. But itong mga nasa category 1 to category 2, iyan iyong priority natin.” —Col. Dema-ala.
Kaugnay naman sa inaasahang pagbabalik ng ROTC, pinag-aaralan na rin aniya kung papaano mapaiigting ang curriculum nito.
Nais aniya nilang maging responsive o makasabay ito sa pangangailangan ng kasalukuyang sitwasyon o sa security environment na mayroong ang Pilipinas.
“Tinitingnan natin dito iyong skills na kinakailangan ng Philippine Army dahil sa ngayon nagde-develop, nagmo-modernize iyong Philippine Army, so kinakailangan natin itong mga skills, hindi na kumbaga lalagpas na tayo doon sa dating ROTC na ang ginagawa lang is, puro parade, training, painit sa araw. But this time, it’s more responsive ROTC, relevant na training na kinakailangan na kapag ine-integrate natin sila sa Armed Forces is capable na lahat..” —Col. Dema-ala. | ulat ni Racquel Bayan