Patuloy pang tinitimbang ng pamahalaan kung itutuloy o ipagpapaliban muna ang pagtaas ng premium contribution ng PhilHealth, mula sa 4% patungong 5%.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lumalawak ang serbisyo ng PhilHealth, at sinisikap ng tanggapan na maabot ang mas maraming Pilipino.
Halimbawa aniya ang pagbabayad ng mas maraming dialysis session para sa mga miyembro nito.
Sabi ng pangulo, kung mayroon namang benepisyo na kayang i-justify ang pagtataas sa premium contribution, ipatutupad ito ng gobyerno.
“It’s really a cost benefit analysis and Philhealth has been expanding its services and trying to reach more people and trying to engage more people and yung for example, yung mga pinagbabayad sa like the dialysis, increased almost three times, the payment out for even catastrophic like cancer has increased by 10 fold.” -Pangulong Marcos.
Aniya, malapit na ring magkaroon ng konklusyon ang ginagawang cost benefit analysis ng pamahalaan, para dito.
“So kung meron benepisyo naman, then if we can justify the increase then we’ll do it. But if we cannot, then we won’t. Ganun lang ka simple yun. It’s just a very straight forward cost benefit analysis. We’re, it’s still under study but we’ll come to a conclusion very very soon.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Raquel Bayan