Magpapatupad ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila sa weekend.
Batay sa abiso ng Metro Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang pagkukumpuni ng mga kalsada simula mamayang alas-11 ng gabi, February 9 hanggang alas-5 ng madaling araw sa Lunes, February 12.
Kabilang sa mga apektadong kalsada ang:
1. EDSA Southbound pagdaan ng Cabrera Street (Outer lane) sa Lungsod ng Pasay
2. Taft Avenue corner Pedro Gil Street sa Lungsod ng Maynila
3. Rizal Avenue Southbound malapit sa 5th Avenue hanggang 4th Avenue sa Lungsod ng Caloocan
4. EDSA Northbound sa pagitan ng Tandang Sora Street hanggang D. Arellano Street. (2nd lane mula sa sidewalk) sa Lungsod ng Caloocan
Pinapayuhan naman ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta. | ulat ni Diane Lear