Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto na kayang makamit ng bansa ang ambitious target na “A” credit rating bago matapos ang administrasyong Marcos Jr.
Sa panayam kay Recto, sinabi nito na mananatili ang “Road to A Credit Rating Agenda,” na unang itinakda sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Recto, naging mabunga ang pakikipagpulong ng economic managers sa mga kinatawan ng New York Based Debt watcher na “Moody’s” kamakailan.
Bagaman masyado aniya pang maaga ang end-term ng Pangulo, tiniyak nito ang pagsisikap ng gobyerno na iaakyat ang rating ng Pilipinas at makakatanggap ng positive outlook sa mga credit rating agency.
Sa ilalim ng plano target ng Pilipinas na makakuha ng investor-grade sovereign credit rating na “A” mula sa major rating agencies gaya ng Moody’s, Fitch Ratings, S&P Global Ratings. | ulat ni Melany Valdoz Reyes