Inihayag ng Department of Transportation – Special Action Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) na magsasagawa ito ng malawakang talakayan patungkol sa mga kolorum na ambulansya sa March 1, 2024.
Katuwang ng SAICT ang Department of Health at Technical Education and Skills Development Authority.
Layon nitong paigtingin ang kampanya laban sa mga kolorum na ambulansya, at mahuli ang mga pasaway na minamarkahan ang mga sasakyan upang gawing ambulansya at samantalahin ang right of way.
Ayon sa SAICT, hindi lang ito nagdudulot ng pinsala at panganib sa publiko pero nababalewala rin ang tunay na gamit ng mga ambulansya.
Inaasahang dadalo ang iba’t ibang kinatawan ng mga tanggapan ng pamahalaan, gayundin ang media na nais na makibahagi sa kampanya laban sa mga kolorum na ambulansya.
Para sa iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa DOTr Public Assistance Action Center (PAAC) at tumawag sa 0920-964-3687. | ulat ni Diane Lear