Nakapagtala na rin ng pinsala sa agrikultura o lupang sakahan sa Region I at IV-B, dahil sa nagpapatuloy na epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Task Force El Niño Spokesperson Joey Villarama, na karagdagan ang mga rehiyon na ito sa Region VI at Region IX na una nang kinakitaan ng pinsala dahil sa tag-tuyot.
Sa kabuuan, nasa 6,600 na ektarya ng lupain ang apektado ng El Niño.
Gayunpaman, maliit na bahagi lamang ito kumpara sa una nang projection na 275,000 hectares ng lupain ang tatamaan ng tag-tuyot.
Pagsisiguro ni Asec. Villarama, tuloy ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga intervention upang mapagaan ang epekto ng El Niño, at upang matulungan ang mga apektadong magsasaka.
At sapat pa aniya ang supply ng bigas at pagkain sa bansa.
“Hindi natin dini-discount na maaapektuhan nito ang ani, dahil pasimula pa lamang ang dry harvest season, so meron itong kaunting kink sa expected harvest, pero sa ngayon, we would like to assure the public na sapat ang ating supply ng bigas at pagkain.” -Asec Villarama. | ulat ni Racquel Bayan