Kinilala ng London-based standard-setting organization Investors in People (IiP) ang Securities and Echange Commission (SEC) dahil sa mahusay na pangangalaga nito sa kapakanan ng mga empleyado.
Dahil sa accreditation, ang SEC ang kauna-unahang government financial sector at pangatlong national government agency sa Pilipinas na nakatanggap ng international recognition sa people management.
Sa inilabas na statement ng SEC, ang IIP accreditation ay ipinagkakaloob sa mga organisasyon na nagpamalas ng high-level good practices sa pangangasiwa ng mga tao nito kung saan binibigyan ang mga empleyado ng oportunidad na lumago at magdevelop.
Ayon kay SEC Chairperson Emilio B. Aquino ,ang natanggap na pagkilala ay magsisilbing pundasyon ng ahensya upang paghusayin pa ang kanilang paglilingkod.| ulat ni Melany V. Reyes