Pinasimple ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang proseso ng pagpapa-rehistro para sa mga kumpanya ng power generation at distribution utilities sa pamamaraan ng public offering.
Ang inisyatiba na ito, na tinatawag na SEC POWERS (Securing and Expanding Capital for PowerGen Operators and Wholesale Electricity and Retail Services).
Sa naturang hakbang, binawasan ang review period ng 45 araw, at na waive ang 20% na public float requirement para sa mga listed company.
Sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA), ang mga power generation company at distribution utilities ay kinakailangang mag-alok at magbenta ng hindi bababa sa 15% ng kanilang shares sa publiko.
Ang naka-streamline na pamamaraan ay umaayon sa patakaran ng pamahalaan upang maakit ang pribadong kapital at palawakin ang pagmamay-ari sa mga sektor ng power generation, transmission, at distribution. | ulat ni Melany Reyes