Hinimok ni Finance Secretary Ralph Recto ang Philippine Stock Exchange (PSE) na makipagtulungan sa gobyerno at i-transform ang capital market ng Pilipinas.
Aniya, dapat gamitin ng mga Pilipino ang capital market bilang daan sa paglago.
Sa kanyang talumpati sa reception ng PSE, sinabi nito na susi sa economic growth kung mas malawak na access ng publiko sa oportunidad at broad based financial data.
Pinuri rin ni Recto ang stock exchange bilang nag-iisang regulator sa bansa, sa kanilang pagiging tapat sa tungkulin.
Partikular na tinukoy ng kalihim ang pag-angat ng stock exchange upang bigyan-daan ang paglago ng capital markets, na kahit na ordinaryong Pilipino ay maaaring maging investors. | ulat ni Melany Valdoz Reyes